Nauna
akong dumating sa Meeting Place. Habang naghihintay kay Ms Girl at Jay
dumaan muna ako sa Khumbu Adventure Boutique at tingin tingin lang sa mga items baka meron akong magustuhan na shoes o di kya bag. Pero wala kya lumabas nalang ako. Wala din kc akong kilala sa store kc wala si Mark (Store in-charge). Few minutes later lumabas si Mark, nasa loob lang pala sya. Kinumusta ko lang sya sa una nyang climb sa Mt. Damas. Sabi pa nya looking forward daw for the next climb. Ang mahirap lang ay ang schedule nya dahil di sila basta basta pinapayagan ng boss nila. Un lang.
In every meeting laging may kainan yan kya di dapat mawala ang picture picture. Hehehe. Sa KFC, Robinsons Galleria, 4th Floor kami kumain while waiting for Rich. Tamang tama pagdating niya nagkwentuhan nalang kami habang kumakain sya.
Kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa Cebu Trip ni Ms Girl. At ito din ang dahilan kung bakit kami nagkita-kita dahil sa pasalubong nya sa amin.
Pagkatapos dito deretso sa Starbucks Veranda para sa mas mahabang kwentuhan. Ang malas pagdating sa area, walang aircon. at halos walang kuryente. Pumutok daw kc ang transmitter nila. Gusto sanang mag-hot coffee si Ms Girl pero dahil mainit ang place kya nag-cold nalang sya. At dahil walang card, kya si Rich muna nagbayad ng inumin ko.
Hindi na namin namalayan ang oras mag-11pm na. At dahil wala silang aircon, napilitan silang magsara ng maaga. Kya lumabas nalang kami. Parang few minutes later 12:30 na pala, akala ko minutes lang un. Nilapitan na kami ng guard kc daw hanggang 12:30 lang daw kami pwede mag-stay sa labas. At dahil ayaw pa naming umuwi, naghanap kami ng ibang venue. Last stop, ministop. Ay naku, di na kami palalayasin dito dahil 24hours to. Hahaha.. Chinat namin si Bonne (currently nasa KSA). Nag-enjoy pa kami sa charging machine ng ministop dahil ang bilis-bilis ng 10 minutes nila at parang walang nadagdag na battery sa phone namin. Pero kahit papaano nakatulong para magdagdag ito ng few minutes. Wifi dito, comment sa FB na kami kami lang din nag-post. Hahaha.. nakakatawa lang. We stayed until 3am. Then we called it a night. Sweet dreams.
Ms Girlie, Jay and Encef |