September 22, 2017
Pedro 'N Coi, Robinsons Galleria
Noong nalaman ko na ang Pedro 'N Coi (Filipino Chain Restaurant of Miss Universe 2011 3rd Runner-up Shamcey Supsup-Lee and husband Lloyd Lee) pala ay sa Fisher Mall, na excite ako. Naghahanap lang talaga ako ng mayaya para mas maganda kumain pag may kasama pero taon nalang lumipas, wala padin akong nayaya. Pero ngayon, padami na sila ng padami, kaya noong nakita kong magbubukas sila sa Robinsons Galleria, na-excite na naman ako kc this time palapit na ng palapit at wala na akong rason para hindi makakain dito. Pero noong nagbukas na sila this year, syempre nag-aantay na naman ako ng mayaya, ayaw ko kc kumakain sa mga ganitong lugar mag-isa.
Yesterday, may bombang sumabog sa opisina (not literal, of course). Sobrang distracted ako buong araw. Hindi ko alam ung history (I was never fascinated with History, that's why). Kaya tinawagan ko mga kaibigan ko doon kung may alam din ba sila sa mga kwento-kwentong kotsero. Until nagyaya si Jecelle na ituloy na daw ung plan namin manood ng Loving In Tandem, kaso wala na sa Megamall kya lumipat kami sa Robinsons Galleria pero wala na din dahil sa first week ng Kingsman. Nakakainis lang.
Since nasa Robinsons Galleria nalang din kami, kumain nalang kami. Noong papasok palang ako sa mall, may nakasabayan akong magbabarkada at narinig ko silang nagkayayaang kumain, doon daw sila kakain sa may "Jeep". Masarap daw kasi. Ung Jeep ay attraction sa Pedro 'N Coi. So sabi ko kay Jecelle, narinig mo na ba ung restaurant ni Shamcey, ung may Jeep, nandito na. Doon nalang tayo kakain. Game naman sya kaya sa wakas natupad na din ung matagal ko ng gustong kainan na restaurant.
Dahil busy kami catching up, natagalan kami mamili ng kakainin until nakapili kami na pang single foods, un pala may discrimination dito, hindi available ang single foods ng weekends, Monday to Thursday lang daw? WUUUUUUUUUUUTTTTTT? Seriously? Discrimination? What if mag-isa lang pala ako kumain dito, hindi padin pala ako makakain dahil may discrimination pala sa mga single. Dahil Friday, ang pwede lang daw ay ung mga pagkaing good for two or ung 3-4 person. What duh! So tama lang pala talaga na nag-antay akong may kasama kc baka mapahiya lang ako.
So we asked suggestions nalang, the waitress suggested their best selling Sizzling Bulalowlowlow and we took it, as well as the guava drinks.
So back to chatting, laughing as if we're the only people in the area. Tapos may narinig kaming sumigaw, ang lakas kya napahinto kami then lahat ng waiters and waitresses sumagot din. Beym! Nakakagulat! Nakaka-culture shock. Bawat deliver ata ng food sisigaw muna bago ilapag ung pagkain kaya habang tumatagal nasanay na din kami pero dahil madami pa kaming pag-uusapan, ayon balik sa kwentuhan.
Oh by the way, the waitress reminded us na 15-20 minutes daw ung food ma-serve. Fine with us, hindi kami masyadong gutom, kahit na tagalan nyo pa, ayos lang. Mag-usap muna kami. Tapos may dumating chips. While waiting, may pa-chips si mayor. Nice!
Pagdating ng pagkain, kumain na din kami pero tuloy padin ang kwentuhan. In fairness naman, masarap ung food. Ung guava drinks, masarap din pero feeling namin may halong gin, kaya tinanong namin kung may halo ba talagang gin, sabi naman ni girl wala daw. Juice lang daw. Okay, fine, juice lang. Masarap naman pero parang nakakalasing lang. Ang dami kong kinain kc sobrang sarap. Ung kanin ni Jecelle kalahati lang ang kinain nya kaya akin isa at kalahati tuloy. Pero ang dami ng cup of rice nila ah. Pang dalawahang cup na yata un eh. So parang 3 cups lahat nakain ko. Sarap naman kasi eh.
Why I like it here:
- Masarap ang food
- Friendly ang waiters/waitresses (naka-smile lagi)
- So Pinoy ambiance
- Simply ahhhhhh-mazing
- Masarap ang food
- Friendly ang waiters/waitresses (naka-smile lagi)
- So Pinoy ambiance
- Simply ahhhhhh-mazing
Why I don't like it here:
- DISCRIMINATION EXIST! Bwesit! Bawal ang single pag weekend? Ano to? Eh di kyo na Shamcey and Lloyd ang may forever! Eh di waw! Congrats!
- Nakakagulat.. Nakaka-culture shock. If my foreigner kang kasama, WARNING is a must, baka mabato nila ung mag serve. LOL (exaggeration)
- Medyo mabaho hininga ni waitress (natuwa ako ng konti kc dalawa na kami)
- Cash only (sad), sabagay, makikita mo sa labas ng tinatahan, "BAWAL UTANG!" Nyahaha
P.S.
Oh, may nakasulat pala doon sa wall na kung oorder na daw, sisigaw lang daw ng DARNA! Sayang, huli na namin nabasa un, eh di sana nakasigaw kami ng Darna! LOL!
- DISCRIMINATION EXIST! Bwesit! Bawal ang single pag weekend? Ano to? Eh di kyo na Shamcey and Lloyd ang may forever! Eh di waw! Congrats!
- Nakakagulat.. Nakaka-culture shock. If my foreigner kang kasama, WARNING is a must, baka mabato nila ung mag serve. LOL (exaggeration)
- Medyo mabaho hininga ni waitress (natuwa ako ng konti kc dalawa na kami)
- Cash only (sad), sabagay, makikita mo sa labas ng tinatahan, "BAWAL UTANG!" Nyahaha
P.S.
Oh, may nakasulat pala doon sa wall na kung oorder na daw, sisigaw lang daw ng DARNA! Sayang, huli na namin nabasa un, eh di sana nakasigaw kami ng Darna! LOL!
Pedro 'N Coi Branches: Fisher Mall, Promenade Greenhills, SM City North EDSA, iL Centro, Sta Lucia East Mall, Robinsons Galleria
No comments:
Post a Comment