Blackbeard's Seafood Island


February 19, 2013
Upper Ground Floor, SM Marikina

Kumpleto kami at last! Treat daw nina Farrah, Edlen and Sheryl! Waw, saya naman! This was the first and I think the last dinner together. Hmmmp, yikz!

Dalawa lang order namin, Dapitan Pride good for 3-4 person and Panlasang Pinoy good for 5-7 person. Tapos nag order din kami ng free sinigang na hipon soup. Na-realized namin ang daming hipon sa order namin. Kc sa Dapitan Pride may kasama doon na crispy shrimps, sa Panlasang Pinoy may kasama din doon na hipon sa aligue plus ang sinigang na hipon soup na ang daming hipon nilagay. Wow, hipon fiesta ba to? Ang sarap ng food pero merong di naubos kc walang kumain ng laing.

Ang ga-gwapo pa ng crew nila. Cute lang kc puro boys ang nag-serve. Nyahaha. Kung babalik man ako dito un ay dahil sa crew, hindi sa food. Yikz!

Dami naming tawanan ng dahil sa Ripe Mango Shake na order ni Farrah na pinagpasa-pasahan na wala ng umubos. Puro tikim lang. Hahaha.. Total bill P3,080.00! Awtz! Buti nalang libre, kya okay lang. Un oh!
Vince, Encef, Edlen, Whin, Farrah, She, Yumi, Jecelle

A Luyong Experience


February 7, 2013
Luyong Restaurant
21 Gil Fernando Ave., San Roque, Marikina City

First time namin dito. Walang tao kya nagulat ako kc isang indikasyon kc un na di masarap ang food. Pero dahil nandito na din kami, pumasok parin kami.

Masarap daw ung rice nila sabi ng mga kasama ko pero noong tinikman ko, di ako nasarapan. Sorry guys, kanya-kanya pala tyo ng taste. Pero masarap ang fried chicken nila. Muntik na akong di namigay, hahaha. Ung crispy pata din masarap. Kya kunti lang nakain ko, mabilis naubos eh. Ang hindi tlga masarap ay ung pansit bihon. Ako ang may favorite na pansit pero di ko tlga sya kayang kainin. Meron kc halong kakaiba na di ko ma-take, kung ano man un, di ko alam.

Anyways, overall masarap at napakamura ng pagkain dito. Madami na kaming order pero ang binayaran lang namin ay P990 lang, oh san ka pa! Masarap din kc ang kwentuhan at tawanan namin. Di nga namin napansin ang oras eh. Sa gitna ng usapan at tawanan may isa pang grupo pumasok kya ayon at least may kasama na kami sa loob na ibang grupo.
Erwin, Encef, Edlen, Sheryl, Jecelle ang Yumi

Giligans, Market! Market!


February 9, 2013
Giligans, Market! Market! Global City, Taguig

This is my first time here in Giligans Market! Market! The Sinigang is so good. The place is okay. But the utensils are not. They still serve broken bowl. So disappointing. Good thing we have a lot to talk about coz this is our first meeting for 2013 that's why, all of them except me, didn't bother how they serve the food.