Prize Yourself With Fries and Float!


March 17, 2013
McDo, EDSA Central, Mandaluyong City

Pagkatapos ng mahabang lakaran sa ilalim ng araw dahil naliligaw, tama lang magpahinga at mag fries and float combo for only P60! So refreshing and rewarding ang ganitong moment kc sobrang sakit na ng paa ko sa kakalakad.

I Think I'm Loving "Fried Chicken Karaage" of Tokyo Tokyo!


March 16, 2013
Tokyo Tokyo, Robinsons Galleria, QC

This is not my first time in Tokyo Tokyo (2nd I guess) but this time, gusto ko na ung kinain ko (obviously, di ko nagustuhan ung una). It's called 2pc Fried Chicken Karaage for P150+P30 for Red Iced Tea. May kasama pang gulay un. Naka 3 additional rice yata ako dito. Pretty hungry huh? In a way, yes, kc kumain kami around 4PM na, no breakfast and no lunch kya ito na ung pinaka-kain tlga hanggang hapunan na to. Hahaha..

October 17, 2013
SM Mall of Asia

From DFA, processing my cousin's NBI Clearance's Authentication, deretso na dito MOA para kumain around 2PM. Dahil love ko na ang Chicken Karaage at nagtitipid ako, 1 pc lang order ko for P85.00, no drinks at dahil unlimited ang rice, naka 3 and a half of rice ako dahil sa sobrang gutom. Hehehe

Tara Na Sa.. Jollibee!


March 14, 2013
Jollibee Ligaya, Amang Rodriguez Ave. cor. Marcus Highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City

Yayaan ng mga ewan.. Ewan kung saan.. At ewan kung matutuloy.. Flash back muna tayo.. Naalala ko lang kc, kaya di naniniwala si Erwin na may lakad eh, kc puro biro nalang ang lahat. Kaya ang lakad na to, di na tlga ako naniniwala na matuloy kya tinagalan ko sa pagligpit ng gamit. Paglabas ko ng pinto, andon sila nag-aantayan. Ay, uu nga tuloy na tuloy nga to. Ang tanong ngayon, saan?

Videoke? Luyong? Jollibee? Sige Jollibee nalang ng makamura. Walang budget kc wala pang sahod eh. Hahaha. Bago makarating doon, taya muna sa lotto. Malay mo manalo. May nanalo ba? Walang nanlibre eh, kya alam na, Hahaha. Hmmmp.. Pwede ring hindi pinaalam kc baka ma-holdap. hahaha..

Ang alam namin fastfood ang Jollibee kaso bigla kaming pinapaupo. Kya ayon napagkasunduan nalang namin na sa labas nalang. Nagtanong ang crew kung ano daw order namin. Uy, waiter? Restaurant? Sige, order naman kami. Kya lang ang order ko "Classic 1pc Chicken" pero ang dinala "Hot N Spicy", ang order ni Jecelle "Ultimate Burger Steak" pero ang binigay "Burger Steak". Ung sa akin pwede pang palitan kc same price lang pero kay Jecelle hindi na kc magkaiba ang presyo. Sige na nga lang. Anjan na eh. Hahaha..

Dahil sa labas kami kya walang aircon. Mainit, ay hindi pala, si Erwin lang nainitan. Pinagpawisan ng malalaki. Kya tawanan kami baka sumama si Junjun (wait, sino si Junjun? Sya ang fren nila sa office.. hahaha). Pwede rin, natatae kya pinagpawisan. Peace Whin! Hahaha..

Hot seat si Erwin! Dahil sa mga sekretong nalalaman sa office. Nagkabukuhan tuloy. Naglabas tuloy ng sama ng loob si Erwin sa akin na noong sya daw ang nasa logistics ang higpit-higpit ko pero noong lumipat na sya sa AR, ang luwag ko na daw doon. Di naman Whin, kung anong naramdaman mo noon, ganun din naramdaman nila sa akin ngaun. Alam mo na, mas kunti lang kc transaction namin ngaun kesa noong nandoon ka pa, kc lahat ikaw ka-transaction ko.
L-R: Edlen, Erwin, Farra, Sheryl, Mayumi, Jecelle and Encef

First And Last Crisgard Together As Team!


March 15, 2013
Crisgard Fastfood, Brgy. Dela Paz, Pasig City


Hanap nyo ba ay lutong bahay na pagkain pero maganda naman ang place, try nyo Crisgard Fastfood. Matatagpuan ito sa Amang Rodriguez Avenue, Brgy. Dela Paz, Pasig City. Papasok lang ng konti sa harap ng St. Camillus Medical Center.

Lahat ng pagkain dito masasarap. Ang isang order ay good for 2-3 person. Pero pwede naman mag-order ng half. Self serving dito kc nga fastfood. Pero ang pinakabinabalik-balikan ko dito ang ang kanilang "Buko Juice". Di ako mahilig sa Buko Juice pero dito, napapabili ako.

Endorsement ito. LOL!

First and last ko na tong makakasama ang mga taong to dito sa place na bilang magkakatrabaho at ka-grupo. Pero don't ya worry guys, magkikita pa naman tayo. Check nyo nalang ang facebook at twitter ko kung gusto nyo lang ng update sa buhay ko. Hahaha..

Sabi nga ng kakilala ko, ako daw ung taong di kailangan ng kumustahin dahil kung ano ang nangyayari sa buhay ko ay siguradong naka-post agad ito sa facebook at kung saan man.