May 18, 2012
Robinsons Metro East, Marcos Highway, Pasig City
As early as Friday, naghahanap na ako ng regalo para makabili ng gift para kay Syesha (inaanak) dahil binyag na nya sa May 20, 2012. Una akong naghanap sa Sta. Lucia Metro East ngunit bigo ako. Pero in a way, masaya na din ang pasyal ko doon kc nakabili ako ng post monthsary gift (Zoro's Necklace) sa isang anime shop. Napadaan din ako saa Boutique ng Sandugo. In fairness, maganda ang place. Maaliwalas kc medyo malaki ang area. Dahil bigo ako dito sa tunay na pakay ko dito kya umalis nalang ako at umuwi.
Napansin ko na medyo may nabago na ang Robinsons Metro East kya naisipan kong mag-drop-by. Ikot ng konti. Hanggang sa nagutom ako kya naghahanap ng makainan. Nakita ko ang Red Ribbon kya dito na ako kumain. Nag-order ako ng paborito kong "Bangus ala Pobre" at may nakita akong "Mango Bar". Gusto ko din to kya bumili ako ng isang pack (10pcs). Naalala ko pa dati, una ko tong nakilala at natikman noong nagdala minsan si Ms Olive sa office at nagustuhan ko na agad. Sarap naman kasi.
Order:
Bangus ala Pobre with Ultimate Chocolate Cake - 160.00
Manggo Bar 10s - 160.00
________
Total - 320.00
Pagkatapos kong kumain, dumaan ako sa Bench. Sale pala dito kya napabili ako ng isang pants for P499 kaso ang laki ng waistline, biruin mo 36" pero pinatos ko parin. Ewan ko ba. 33 lang po ang waistline ko. Kaya tuwing isusuot ko ito, malalaglag kapag walang belt. Okay na un. Ginusto ko to eh.
Tumuloy na ako sa Department Store para bili ng gift. At sa awa ng Diyos nakabili na din ako. 3 shirts at 2 shorts. Pwede na un, may maibigay lang. Hehehe..
Pamasahe:
Lan Gas to Jennys, Tricycle - 8.00
Jennys to South Supermarket, Jeep - 8.00
South Supermarket to Sta. Lucia, Tricycle (50/trip) - 25.00
Sta. Lucia to Ligaya, Jeep - 8.00
Ligaya to Rosario, Jeep - 8.00
Rosario to Jennys, Walk - 0.00
Jennys to Lan Gas, Tricycle - 8.00
South Supermarket to Sta. Lucia, Tricycle (50/trip) - 25.00
Sta. Lucia to Ligaya, Jeep - 8.00
Ligaya to Rosario, Jeep - 8.00
Rosario to Jennys, Walk - 0.00
Jennys to Lan Gas, Tricycle - 8.00
________
Total - 65.00
No comments:
Post a Comment