Foodtrip With My Newly Found Friends at StarDharma


March 27, 2014 
Libis, Quezon City

Tusok-tusok for PHP2.50/pc. Hahaha.. Di ko alam kung anong tawag jan eh. Akala ko kc fish ball yan pero sabi chicken ball daw. Oh sige, kahit ano basta bilog sya na parang bola. LOL!
After kumain ng street food, tumuloy na kami sa sakayan ng tricycle pero pagdating doon masyadong mahaba ang pila at walang dumadating na tricycle kya nagkayayaang kumain daw muna, sa Rufo's. Since di pa ako nakakain doon kya medyo na-excite naman ako.
Favorite ko talaga ang chicken pero dahil nasa Rufo's Famous Tapa kami kya hinanap ko ang pinagmamalaki nilang Famous Tapa kaso parang di ko nakita sa menu nila (o sadyang bulag lang, later nakita ko nakadikit sa dingding sa harapan ko, pang-asar lang diba?), kaya ang unang nagustuhan kong picture nalang ang pinili ko at nagkataong Liempo un. Mukhang masarap eh. Then karamihan sa mga kasama ko Sizzling Crispy Chicken ang inorder. Nahiya naman akong makigaya sa order nila kaya pinanindigan ko na order ko. Waaa..
Hindi ako nasarapan sa inorder ko, medyo matigas kasi ang karne na parang kaninang umaga pa niluto. O sadyang di lang tlga ako mahilig sa Liempo or pwede ring inexpect ko masyado na kagaya sa pictures ung i-serve. LOL! Kaya nagsisi tuloy ako na di ako nagpalit sa chicken. Well, may next time naman. Yowwwwn!

No comments:

Post a Comment